Ragnarok Trivia Compilation by Jayvee Ordanez

The AdminBlog

Share This Post

Of Course we wanted to bookmark Jayvee Ordanez posts of ROPH Official Community. He has been giving Trivias that sometimes actually make sense but we know isn’t true which makes it funny. He has been giving trivias about MVP monsters and you can search them in ROPH Official Community by searching #BasicGUWAPOGI & #RagnarokGENIUS hashtags. Anyway, let’s start!

1. Orc Lord

Alam nyo ba na si Orc Lord ay isang Bruskong Maskuladong MVP Monster. Siya ang Cheap ng Tribo ng mga Orc. Karaniwan siyang makikita sa Geffen Field at ang palantandaang trademark sa kanya ay ang malalaki niyang muscle at ang suot niyang Helm na my tatlong sungay. Bukod sa Bloody Axe at Dorm Slayer nagbibigay din siya ng Grand Circuit at ang kanyang card din ay may malaking tulong. Dahil pag meron kang Orc Lord Card ay may Tatlumpung Porsiyentong tsansa ibalik lahat ng sakit, pighati, kalungkutan , depression at stress na ibinibigay sayo ng iyong mga Enemies. Alam nyo rin bang gumawa din siya ng kanta na may pamagat na Lord Patawad at ang tunay niya talagang Panganame ay Lordivino Ignacio.

Now You Know
#BasicGuwaPOGI
#RagnarokGENIUS

2. Baphomet

Ragnarok Trivia: Alam nyo ba na si Baphomet ay isang pinakasikat na famous na MVP Monster. Bukod sa pagiging G.O.A.T niya ay isa rin siyang butihing Single Father dahil mag isa niyang tinataguyod at inaaruga ang kanyang mga Jr. Matatagpuan siya sa Hidden Dungeon at sa Glast Helm Castle. Isa sa mga binibigay niyang kagamitan ay ang Majestic Coat at Crescent Sight, bukod pa dito malaking dagdag din ang kanyang card, dahil kung may card ka ng baphomet sa iyong sandata ay hindi ka na mag mimintis sa bawat pag atakeng attack na iyong gagawin.

Now You Know
#BasicGuwaPOGI
#RagnarokGENIUS

3. Garm

Alam nyo ba na si GARM ay isa sa mga babaeng girl na MVP Monster, sa Norse Mythology siya ay isang Aso. Dahil kanyang makulay na lovelife kay Stormy Knight nag bunga ito ng isang batang baby Garm. Bukod sa pagiging Asong Niyebe,nagmula sa bansang Haiti inaabangan din si Garm dahil nag bibigay ito ng Fang Of Garm, isa sa mga sangkap para makagawa ka ng Lips of An Angel. Hindi man ganoon ang epektibong effective ang kanyang cards nagbibigay din si Garm ng Ice Falcon at ng Katar of Frozen Popsicle. Karaniwan matatagpuan si Garm sa Christmas Lutie.

Now You Know
#BasicGuwaPOGI
#RagnarokGENIUS

4. Orc Hero

Ragnarok TRIVIA: Alam nyo ba na si Orc Hero ay isang Katutubong Native na MVP Monster,siya ay ang pinaniniwalaang Pinunong Leader ng Tribo ng mga Orcs. Ang kanyang espada ay pinaniniwalaang nakakapag payanig at nakakapag shake shake bastelicious ng lupa at nakaka pag dulot din ng kidlat at kulog sa mga makakalaban nito. Siya din ang pinaniniwalaang nakapatay kay Magellan noong tinangka niyang sakupin ang maktan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Bukod sa Monkey Chicklet at Heroic Emblem mapapakinabangan din ang kanyang Card, dahil pag mayroon kang card ni Orc Hero sa iyong Armor ay hindi ka na ma Stand ng iyong mga Enemies.

Now You Know





#BasicGUWAPOGI
#RagnarokGENIUS

5. Osiris

Ragnarok TRIVIA: Alam nyo ba na si Osiris ang PinakaMatandang OldMan na MVP Boss. Ngunit lingid sa inyong kaalaman si Osiris din ang pinaka matinik na lalaki at kinokonsidera siyang Crunch ng Bayan patunay dito ay ang mga nakapaligid sa kanyang mga Bra-Less ISIS. Hindi man gaanon kaganda ang mga gamit na binibigive niya tulad ng Crown at Assassin Digger ay napaka useful naman ng Card niya dahil pag may Card ka ni Osiris sa iyong accessories ay otomatiko mapupuno ang iyong HP at SP kasama na rin mapupuno mo rin ang iyong testosterone at ang iyong Sperm Cells pag ikaw ay binuhay mula sa iyong pag kakahimlay. Bago namayapa si Osiris, nag iwan siya ng isang makasaysayang music video kasama si Jhill Rose Mendoza. Si Osiris din ay kilala bilang si Joel Lito Tiongson.

Now You Know

#BasicGUWAPOGI
#RagnarokGENIUS

6. Phreeoni

Ragnarok TRIVIA: Alam nyo ba na si Phreeoni ay isang Beking Bading na MVP Monster, siya din ang kinokonsiderang pinakamayamang wealthy na MVP Monster dahil sa dami ng nakapaligid sa kanyang Hode, dahil kada Hode na pumapaligid sa kanya ay binibigyan niya ito ng 500zeny. Isa sa mga palatandaang trademark kay Phreeoni ay ang kanyang apat na kumikindat na mga mata at kangyang malaking bibig na kung saan kahit 10 Hode ay kasya sa bibig niya. Hindi man ganoon kaganda ang mga gamit na binibigay ni Phreeoni ay malaking tulong din ang kanyang card dahil kung may card ka ni Phreeoni sa iyong sandata ay may tsansang Tumigas at mag labas ng Sticky Mucus ang iyong aatakihing kalaban.

Now You Know

#BasicGUWAPOGI
#RagnarokGENIUS

7. Hode

Ragnarok TRIVIA: Alam nyo ba na ang mga Hode ay isa sa mga pinaka Kontrobersiyal na Ordinary Earth Monster sa Ragnarok dahil sa taglay niyang SPG dahil sa Tema, Lengguwahe, Karahasan at Seksuwal sa kanyang Itsura ay laging naka monitor ang LTFRB sa tuwing nilalabas ang kanyang larawan . ANg mga hode ay galing sa mga Junior ng mga Higanteng Giant na nakalaban ni Thor, ito ay kanyang pinutol at ibinaon sa Desyerto ng Morroc. Bukod pa dito nakilala din sa mga Hode ang kasabihang. Ang Hode na galit at gipit laging kay Phreooni Kumakapit

Now You Know

#BasicGUWAPOGI
#RagnarokGENIUS

That’s it! Thank you for Jayvee Ordanez‘s permission for saving this into my site.

P.S. If you’re ever wondering why I’m not yet creating more build guides yet. Sorry for that, I still am taking a rest from the seriousness of Ragnarok Online. Will continue making guides once I have recovered from exhaustion.

Share This Post

Author

The Admin
The Admin
Hi I'm the Admin. A dev, designer, and an avid Ragnarok Player. If you have any questions, feel free to comment below.

Comments

comments